Pepperstone, isang forex broker mula sa Australia, ngayon ay inihayag ang paglulunsad ng demo trading sa cTrader, na may open-API platform. Ang demo trading ay isang karagdagang pasilidad na ibinibigay ng Pepperstone cTrader upang magdagdag ng iba't-ibang mga platform, isang platform na maaring i-download sa PC at ang isa naman ay ang cWeb na nakabase sa web browser, tulad ng mobile phone application para sa iOS. Maaari ka ring mag-surp sa pamamagitan ng cTDN environment at pumili ng iyong sariling forex trading robot, indicator o simpleng program ayon sa iyong kagustuhan.
Ang platform na cTrader na ito ay isang platform na na-lista sa pangunahing website ng Pepperstone ilang buwan na ang nakalilipas, ngunit opisyal lamang itong inilunsad ngayon. Bukod dito, ang cTrader ay dinisenyo upang ma-access ng mga kliyente ng Peperstone broker kabilang na ang kamakailan lamang na inilunsad na website ng Peperstone Russia.
Kapag nag-log in ka sa platform ay mararanasan mo ang atmosphere ng cTrader kung saan ang platform ay napaka madaling gamitin at intuwitibo. Bukod dito, mayroong bagong time frame na nakalista sa platform na ito, ang 6-minute timeframe at ang dot chart. Inaasahan na patuloy na mag-uupgrade ang Pepperstone ng platform sa regular na paraan upang ang cTrader demo ay maging isang viable platform na iniaalok dahil ito ay nagrereflect ng kanilang live trading.