Ano ang Bid-Ask Spread?
16 November 2022
450
Ang bid-ask spread ay ang pagkakaiba sa pagitan ng presyo ng ask (benta) at bid (bilhin) ng isang pair. Ang presyo ng ask ay nagpapahiwatig ng antas kung saan handa ang mga nagbebenta na magbenta, habang ang presyo ng bid ay ang antas kung saan handa ang mga bumibili na bumili. Ang spread ay awtomatikong ichacharge sa bawat posisyon kapag binuksan ang mga ito. Sa platapormang MetaTrader, ito ay makikita sa sesyon ng Market Watch. Mula sa larawang ito, ipinapakita na ang pair ng GBP/USD ay may spread na 5 puntos dahil ang presyo ng bid ay 1.22823 at ang presyo ng ask ay 1.22828. Kaya ang kalkulasyon ay 1.22828 - 1.22823 = 5 puntos