RoboForex Naglunsad ng Tampok na Fixed Zero Spread
RoboForex, isang lisensyadong broker sa forex sa Auckland, ay nag-develop ng isang bagong feature. Sa opisyal na website, simula Marso 11, 2015, lahat ng mga kliyente ng Roboforex na rehistrado sa Fix-cent at Pro-Cent accounts ay may pagkakataon na mag-trade ng forex instruments na may fixed zero spread facility.

Ang fixed spread feature na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga traders na makapag-trade sa pamamagitan ng pag-alam sa presyo sa merkado nang maaga upang magkaroon sila ng pagkakataon na mag-set at mag-predict ng bilang ng gastusin na maaring mangyari sa trading. Sa ibang salita, ang fixed zero spread facility ay makakatulong sa mga traders sa wastong pag-manage ng kanilang finances sa trading (money management). Syempre, ang offer na ito ay magiging napaka-atraktibo sa mga traders na sanay na gumawa ng prelimenaryong kalkulasyon bago pumasok sa merkado. Bukod pa dito, maaaring gamitin ito sa tunay na account.
Ang mga transaction fees ay nag-iiba depende sa instrumentong pinili, tulad ng:
- EURUSD.z - 20 USD para sa isang lot
- GBPUSD.z, USDJPY.z, EURJPY.z - 30 USD para sa isang lot
- AUDUSD.z, EURGBP.z, NZDUSD.z - 45 USD para sa isang lot
- EURCHF.z, GBPJPY.z, USDCHF.z - 100 USD para sa isang lot
Ang mode ng instant execution ay gagamitin sa Fix-Cent accounts, at ang mode ng market execution ay gagamitin sa Pro-Cent accounts.
Ang mga instruments na may zero spreads ay opsyonal. Ang mga traders ng Roboforex ay maaaring magpatuloy sa pag-ttrade ng mga instruments na may ginawang spreads at pumili ng mga instrument pairs na may zero spread facilities sa parehong account. Dapat tandaan, ang account na gagamitin ay isang Fix Cent account o Pro Cent account na na bukas na o bagong binuksan.
Para sa Standard Accounts
Sa mga may hawak ng standard account, huwag kayong mag-alala. Inanunsyo ng RoboForex na simula Marso 18, lahat ng trading instruments na may zero spreads ay magiging available para sa Fix-Standard at Pro-Standard MT4 accounts at lahat ng standard MT5 accounts. Ang mga bagong instruments na may zero spreads ay available sa mga sumusunod na trading terminals; tandaan ang suffix:
Para sa MT4 Fix-Cent, Fix-Standard, Pro-Cent, at Pro-Standard accounts - suffix .z
Para sa MT5 Fix-Cent, Fix-Standard accounts - suffix .z
Para sa MT5 Pro-Cent, Pro-Standard accounts - suffix .zm
Ang layunin ng RoboForex na mag-provide ng feature na ito ay upang sagutin ang mga request ng maraming traders na humiling ng mga accounts na may fixed or zero spreads. Bukod pa dito, nag-i-innovate rin ang Roboforex sa pamamagitan ng pag-provide ng CFD stock at commodity trading instruments. Makikita ang kumpletong impormasyon tungkol sa forex brokers sa Review Brokers.